Thursday, October 22, 2020

Magkaibigan with Lyrics by Last Days Band

 Magkaibigan

by Last Days Band I. Nung una ang isa’t isa sa atin ay Naglalakbay sa buhay at puro matamlay Laging hanap-hanap ang ligayang tunay Naghihintay kung sino makapagpakulay II. Sa mundo ating ginagalawan ikaw ay nandiyan Sa puso at sa diwa ikaw ay kailangan Ang dapat sa atin ay magtulungan Tunay na magkaibigan ay nagdadamayan Chorus: Kaya’t purihin Siya pasalamatan Siya Nang dahil kay Hesus ay nakilala kita Sa’yo ko lang nadama ang ligaya Tunay at wagas parang pagmamahal Niya 2x III. Sa tuwing Ika’y nangangamba dinadamayan kita Panatilihin natin ang apoy ng pagsasama Dito ka sa aking tabi aalagaan kita Sabay tayong magdasal hingin ang gabay Niya IV. Si Hesus ang nagbigay sa ating kakayahan Nararapat itaas ang Kanyang pangalan Kamay ko’y iyong hawakan at ako’y sabayan Ipalaganap sa mundo ang Kanyang kabutihan Bridge: Sa problema andyan ka Alam kong ikaw ay bigay Niya Sa mga regalo Niya isa ka sa mga nangunguna Dahil sa’yo ako ngayo’y masaya V. Nung una ang isa’t isa sa atin ay Naglalakbay sa buhay at puro matamlay Laging hanap-hanap ang ligayang tunay Naghihintay kung sino makapagpakulay VI. At ngayong nadito ka ako ngayo’y masigla Tinanggal mo ang lungkot at mga pangamba Sa kwentuhan at kulitan laging andyan Ka Pinalitan mo nang ngiti ang mga problema

No comments:

Post a Comment

SA NGALAN MO Lyrics by MJ Flores

  Verse 1: Ikaw ang pulong sukad sa sinugdanan Ug kanimo namugna ang tanan Ni abot ang kahayag Ug kanako nagdan-ag Refrain: Imong trono gibi...