Thursday, November 26, 2020

BANTA | Gising na Bayan tayo'y magkaisa | with Lyrics by Butch Charvet

 Banta

by Butch Charvet Nung unang panahon sa aklat ng Kronika Matatagpuan isang hari ng Juda May takot sa puso gaya ng sino man Ngunit walang pag-aalinlangan Siya'y lumuhod tumawag kay Yaweh Kanyang idinulog kalabang kay dami Diyos ang tumugon at sa kanya'y sinabi Josafat wag kang matakot Sila'y nag-ayuno sabay na nagpupuri Lahat ay sama-sama pati na ang hari Patnubay ni Yaweh sa kanila'y namalagi Dahil sa panalangin banta ay napawi Chorus Gising na bayan tayo'y magkaisa Oras na laan wag nang sayangin pa Magpakatatag at manalangin na Kay Hesus na Siyang tanging pag-asa Verse 2 Banta sa ating bayan ating nalalaman Kahit ang iba'y nagbubulag-bulagan Di mo maikakatwa ang katotohanan Isang araw ay wala nang kalayaan Kawawang bansa kung si Hesus di maghahari Walang patutungunan, tiyak na masasawi Ating inang bayan walang pasubali Kukunin ng kaaway, sila'y magwawagi

No comments:

Post a Comment

SA NGALAN MO Lyrics by MJ Flores

  Verse 1: Ikaw ang pulong sukad sa sinugdanan Ug kanimo namugna ang tanan Ni abot ang kahayag Ug kanako nagdan-ag Refrain: Imong trono gibi...