Karapat-dapat Ka
by RJ Santiago VERSE: Wala akong ibang itataas Kung hindi Ikaw Panginoon Wala akong ibang sasambahin Ng oras ko at panahon PRE-CHORUS: Dahil Ikaw ang nagbigay Sa amin ng walang hanggang buhay CHORUS: Karapat-dapat Ka sa aming pagsamba Sa kapangyarihan Mo, kami ngayo'y namamangha At ang lahat ay luluhod sa pangalan ni Hesus Dahil Ikaw ay Diyos, karapat-dapat, Karapat-dapat Ka BRIDGE: Na maging Panginoon Sa lahat ng panahon Sa dalangin namin ay tumutugon (Repeat CHORUS 2x)
No comments:
Post a Comment