Tuesday, April 4, 2023

Kaisang Puso by Arnel de Pano

 

VERSE I

Magmula pa noon ay ikaw na nga

Ang minimithi ng bawat gunita

Laging sasambitin, sa bawat dalangin

O Diyos, siya nga kaya para sa akin

 

VERSE II

Magmula noon kay Hesus na nga

Inialay ang nagbungang pagsinta

Maging ang pangarap, nawa'y maging ganap

Magkasama hanggang Siya'y makaharap

 

KORO:

Harapin natin ang bukang liwayway

Ginintuang pangako ay tinataglay

Nang ating bukas, Nang ating buhay

Kaisang puso ang dakilang patnubay

 

VERSE III

Magmula ngayon ay italaga

Sa pag-ibig man ay paghariin siya

Laging isangguni, sa bawat sandali

Kay Hesus tayo umasa ng lagi


No comments:

Post a Comment

SA NGALAN MO Lyrics by MJ Flores

  Verse 1: Ikaw ang pulong sukad sa sinugdanan Ug kanimo namugna ang tanan Ni abot ang kahayag Ug kanako nagdan-ag Refrain: Imong trono gibi...