Verse 1:
Nung una, ang akala ko
At kahit, ano pang gawin
Ako’y bumabalik sa maling gawain
Marami na akong sinubukan
Kung sino-sinong nilapitan
Nang halos ako ay sumuko na
Si Hesus ay nakilala
Chorus 1:
Ang aking buhay ay binago Niya
Magmula nang ako’y magpasya
Sa aking puso’y paghariin Siya
Anong himala ako’y nag-iba
*Kasalanan ko ay pinatawad
Ginawang anak Niya
Sa langit pupunta
O Kaybuti ng Diyos at ako’y binago Niya
Verse 2:
Lumipas ang mga taon
Lalong naging tapat ang Panginoon
Sa aking mga pagkukulang
Siya ang nagtutuwid sa aking daan…
Kung iisipin ko lamang
Sa kahapon ko siya ang kulang
Sa aking mga kailangan
Higit Siya sa sino pa man
Chorus 2:
Ang aking buhay ay binago Niya
Magmula nang ako’y magpasya
Sa aking puso’y paghariin Siya
Anong himala ako’y nag-iba
*Kasalanan ko ay pinatawad
Ginawang anak Niya
Sa langit pupunta
O Kaybuti ng Diyos at ako’y binago Niya…. Ha…. Ha… Haaa…
*Kasalanan ko ay pinatawad
Ginawang anak Niya
Sa langit pupunta
O Kaybuti ng Diyos at ako’y binago Niya….
No comments:
Post a Comment