Tuesday, December 16, 2025

Salamat Panginoon Lyrics by Musikatha

 

Ikaw ay mabuti bawat sandali
Sa habang buhay ay mananatili
Hindi mapapawi o maikukubli
Maging sa dilim ng gabi

Sandigang matibay ang iyong pangako
Lakas at pag asa ng aking puso
Hindi na mabilang pagkakataon
Patunay ng katapatan mo

Sa dalamhati at sa kabiguan
Sa pagluha ng pusong nasugatan
Sa pagsubok na iyong pinahihintulutan
Salamat Panginoon

Sa katugunan sa aking dalangin
Sa kalakasang sau nanggagaling
Sa pagtuturo at pagtutuwid mo sa akin
Salamat Panginoon
Salamat

No comments:

Post a Comment

O Dios Nga Gamhanan Lyrics by D' Messengers

  Sa pagbangon ko sa sayong kabuntagon Nakita ko ang masanag nga nawong Ako gitudlo sa kinaiyahan Matahum ug maanindot ang tanan Chorus...