Tuesday, December 16, 2025

Tanging Ikaw Lyrics by Musikatha

 

Ang puso ko'y nabihag ng 'Yong pagmamahal
Nag-aalab kong hangad sa tuwina ay tanging Ikaw
Sa piling Mo'y ano pa ang hahanapin ko
Sapat na ang pagkakataong mapalapit sa'Yo
Tanging Ikaw ang tibok ng puso ko
Walang ibang sinisigaw kundi ang ngalan Mo
Pag-ibig ko'y tanging Ikaw, Panginoon
Ang buhay ko't kagalakan, kayamanan
Tanging Ikaw

Ang buhay ko'y pinagpala Mong lubusan
Katapatan Mo sa akin ay sadyang walang hanggan
Nais kong mamasdan ang 'Yong kagandahan
Habang ako'y nananahan sa Iyong kabanalan

Tanging Ikaw ang tibok ng puso ko
Walang ibang sinisigaw kundi ang ngalan Mo
Pag-ibig ko'y tanging Ikaw, Panginoon
Ang buhay ko't kagalakan, kayamanan
Tanging Ikaw

Makamtan ko man lahat ng yaman sa mundo
Ikaw pa rin ang hinahanap nitong damdamin ko

Tanging Ikaw ang tibok ng puso ko
Walang ibang sinisigaw kundi ang ngalan Mo
Pag-ibig ko'y tanging Ikaw, Panginoon
Ang buhay ko't kagalakan, kayamanan

Ang buhay ko't kagalakan, kayamanan
Ang buhay ko't kagalakan, kayamanan Tanging Ikaw

No comments:

Post a Comment

O Dios Nga Gamhanan Lyrics by D' Messengers

  Sa pagbangon ko sa sayong kabuntagon Nakita ko ang masanag nga nawong Ako gitudlo sa kinaiyahan Matahum ug maanindot ang tanan Chorus...